A constuction worker copes with the heat.

Panlipunang proteksyon

Asya-Pasipiko nakamit ang mahalagang yugto ng panlipunang proteksyon, ngunit mga hamon mananatili at may mga bagong lilitaw sa pagbabago ng klima

Bagong ulat ng ILO itinampok ang positibong takbo ng panlipunang proteksyong sakop sa rehiyon, bagamat, ang hindi pantay na pag-unlad at mga isyu sa pagpapanatili ng pananalapi, kasama ang kailangang tugunan ang mga epekto sa pagbabago ng klima ay nagpapakita na dapat komprehensibong mapahusay ang sistema.

30 September 2024

A constuction worker copes with the heat. © Shutterstock

BANGKOK (Balitang ILO) – Nakamit ng Asya-Pasipiko ang isang mahalagang yugto sa rehiyon noong 2023 nang sa unang pagkakataon mahigit kalahati ng populasyon (53.6 porsyento) ay sakop ng kahit isang panlipunang proteksyon na benepisyo ayon sa isang bagong ulat ng International Labour Organization (ILO). Bagamat, humaharap ang mga sistema ng panlipunang proteksyon sa mga bansa sa Asya-Pasipiko sa paulit-ulit at pabago-bagong mga transpormatibong hamon at nangangailangan ng makabuluhang pagpapalakas kung nais nitong tulungan na epektibong mabawasan ang mga dulot ng pagbabago ng klima sa mga populasyon sa rehiyon.

Itinatampok ng Regional companion report for Asia and the Pacific of the World Social Protection Report 2024-26: Universal social protection for climate action and a just transition kung paano nahigitan na ngayon ang epektibong panlipunang proteksyon sakop sa rehiyon sa pandaigdigang pamantayan (52.4 porsyento). Sa kabila nito, humigit-kumulang 2.1 bilyong tao ang nananatiling hindi protektado laban sa iba't-ibang mga panganib sa ikot-buhay at sosyo-ekonomiko habang hindi pantay ang pag-unlad sa pagpapalawak ng panlipunang proteksyon.

Ayon sa ulat, mula noong 2015 ang epektibong halagang sakop sa Silangang Asya ay tumaas ng 15.2 porsyento na puntos (mula 63.3 hanggang 78.5 porsyento); ng 13.4 percentage points (32.5 hanggang 45.9 percent) sa Timog-Silangang Asya; ng 16.7 porsyentong puntos (18.7 hanggang 35.4 porsyento) sa Timog Asya; at ng 6.8 porsyento na puntos (65.7 hanggang 72.5 porsyento) sa Kapuluang Pasipiko. Datapwat, umiiral ang mga makabuluhang pagkakaiba sa mga bansa.

Ang rehiyon ay nahaharap sa mga hamon ng kasapatan sa mga benepisyo at ang pinansyal na pagpapanatili ng mga sistema ng panlipunang proteksyon. Noong 2023, gumastos ang rehiyon ng 11.8 porsyento ng Kabuuang Domestikong Produkto o GDP para sa panlipunang proteksyon, na mas mababa sa pandaigdigang pamantayan na 19.3 porsyento.

Higit pa rito, inihayag ng ulat ang epektibong sakop para sa kababaihan na hindi bababa sa kahit isang benepisyong nahuhuli kaysa sa mga kalalakihan ng 6.8 na porsyentong puntos; isang pigurang partikular na binigkas sa Timog Asya, kung saan umiiral ang 11.1 porsiyentong-agwat sa punto.

“Bagamat may pangako ang pag-unlad na nagawa mula noong 2015 sa rehiyon, malaking paraan pa ring makamit ang unibersal na sakop at maabot ang sapat at komprehensibong proteksyon. Ang pamumuhunan sa komprehensibo at matibay na mga sistema ng panlipunang proteksyon ay hindi kailanman naging kagyat na tulad na ngayon,” sabi ni Chihoko Asada-Miyakawa, ILO Assistant Director-General at Regional Director para sa Asya at Pasipiko.

Sa rehiyon na tahanan ng 16 sa 50 mga bansang maaaring maapektuhan sa pagbabago ng klima, itinampok din ng ulat kung paano makatutulong ang maayos na disenyo at pondo para sa sistema ng proteksyong panlipunan upang mapawi ang masamang epekto ng pagbabago ng klima, magbigay ng proteksyon sa kita para sa mga apektado ng mga klimang patakarang hakbang, at isulong ang paglipat tungo sa isang berdeng ekonomiya.

"Ito ay partikular na hinggil sa maraming mga bansa sa Asya at Pasipiko ang nakakaranas ng mataas na kahinaan sa pagbabago ng klima ngunit mababa ang epektibong sakop. Gaganap ng mahalagang papel ang panlipunang proteksyon sa pagsuporta sa klimang adaptasyon at mitigasyong hakbang, at sa pagpapadali sa isang makatarungang transisyon, sa huli ay paghuhusayin nito ang katatagan ng lahat, at lalo na sa mga komunidad na madaling maapektuhan,” sabi ni Kenichi Hirose, Senior Social Protection Specialist sa ILO Decent Work Technical Support Team para sa Silangan at Timog-Silangang Asya at Pasipiko.

English