Ano ang ILO MNE Declaration?
What is the ILO MNE Declaration? (In Filipino)
Ang Tripartite Declaration of Principles Concerning Multinational Enterprises and Social Policy (MNE Declaration) ay instrumento ng ILO na nagbibigay ng direktang paggabay sa mga negosyo kaugnay ng polisiyang panlipunan at ng inklusibo, may responsibilidad, at napagpapatuloy na kaugalian sa lugar ng pinatatrabahuhan. Layon ng deklarasyong ito na makahikayat ng positibong kontribusyon kung saan ang mga multinational na negosyo ay makakagawa ng ekonomiko at panlipunang pag-unlad at ang pagsasakatuparan ng desenteng trabaho para sa lahat; at upang bawasan at magkaroon ng kalutasan sa mga kahirapan o problem na maaaring mangyari sa iba’t iba nilang operasyon. Hindi nilalayon ng mga alituntunin ng MNE Declaration na magpakilala o panatilihin ang hindi pantay na pagtrato sa pagitan ng multinational at national na mga negosyo. Sumasalamin ito ng mahuhusay na pagsasagawa para sa lahat.