Message by Ms Lydia Rondina at the handover of the water system in Wao, Lanao del Sur under the ILO-Japan Water and Sanitation Project

By Ms Lydia Rondina, female labourer and project beneficiary at the handover of the water system in Wao, Lanao del Sur under the ILO-Japan Water and Sanitation Project, 30 March 2021, Lanao del Sur, Philippines

Magandang Araw po sa ating lahat, Ako po si Lydia Malagamba Rondina, 58 years old, May asawa at may apat na anak at nakatira sa Purok 4 ng Barangay Kabatangan Wao, Lanao Del Sur.

Ako po ay isa sa mga worker ng KIA na nagtrabaho para sa proyekto na ito. Ako po ay nagpapasalamat at naging bahagi ako ng proyekto na ito, bukod pa doon kame ay binigyan ng ILO ng mga benipisyo katulad ng SSS at Insurance. Meron din po akong Philhealth na nagpatuloy tuloy dahil sa ako ay isang 4P’s.

Bago kame nagtrabaho ay nabigyan kame ng mga PPE katulad ng Hard Hat, Gloves, Vest, Botas, at goggles para proteksyon sa ano mang aksidente sa pagtatrabaho. Kame ay binigyan rin ng alcohol, sabon at mask bilang proteksyon sa COVID-19. Kame rin ay dumadaan sa mga OSH protocols ng ILO bago kame magsimula magtrabaho. Sa halos ilang buwan naming pagtatrabaho sa KIA, kahit mahirap ang trabaho dahil sa panlalaking gawain ang trabahong yun ay nakayanan ko naman.

Hindi naging hadlang sa akin ang aking pagkababae para hindi ipagpatuloy ang trabaho na iyon. Ito ay nagpapatunay lamang na kung kaya ni mister ay kaya din ni misis.  Kame ay naghukay at naglibing ng mga pipes para magkaroon ng tubig ang karamihan. Naging masaya ang aking karanasan at nakatanggap ng sweldo na sapat sa aming pangangailangan. Malaking tulong sa akin ang pagtrabaho sa proyektong ito ng ILO lalo na sa panahon ng pandemya na ito.

Nagpapasalamat ako sa People of Japan, sa ILO, Single Drop, KIA at sa LGU WAO na nagpatupad ng proyekto na ito. Maraming Salamat.