Message by Ms Vicenta Penecilla at the handover of the water system in Wao, Lanao del Sur under the ILO-Japan Water and Sanitation Project

By Ms Vicenta Penecilla, female labourer and project beneficiary at the handover of the water system in Wao, Lanao del Sur under the ILO-Japan Water and Sanitation Project, 30 March 2021, Lanao del Sur, Philippines

Magandang Umaga sa lahat, sa ating Honorable Mayor Elvino Balicao Jr., sa ating mga Punong Barangay at Kagawad, at sa mga bisita na nandirito ngayon.

Ako po si Vicenta Penecilla, nakatira sa Sitio Salvacion, Barangay Katutungan, Wao Lanao Del Sur.

Noon ang aming karanasan ay hirap na hirap kame sa tubig, nagdepende lang kame sa balon, kung panahon ng tag-init doon kame kumukuha ng tubig sa ilog ng kalawaig at napakalayo yun mula sa aming bahay.

Doon na rin kami kumukuha para panligo at panghugas sa pang araw araw namin. Mga dalawang kilometro and layo bago makarating doon. Sa mga gallon naming nilalagay ang nakukuha naming tubig at kinakarga sa karo at kalabaw. Pagdating ng mga hinigiban namin sa bahay ay halos kalahati nalang ang natitira dahil sa layo at hirap ng daan noon at mababato pa.

Noong 2004, nagkaroon ng tubig ang Barangay Amoyong na galing sa proyekto ng SZOPAD at doon ay pansamantala kami nakaconnect. At malaki rin ang pasasalamat namin sa barangay amoyong. Nung dumating ang Project ng ILO, napakasaya namin dahil sa wakas at magkakaroon narin kame ng tubig, hindi na kame makakaigib sa mga balon at sa ilog kalawaig, magkakaroon ng rin kame ng hiwalay na linya na galing sa proyekto na ito.

Maraming salamat sa mga nagpatupad sa patubig na ito, sa People of Japan, sa ILO, Sa Single Drop, sa KIA at sa LGU WAO. Sila ay tumutok para mapatupad ang proyekto na ito at mabigyan ng tubig ang mga nangangailangang katulad namin.

Hanggang dito na lang at maraming salamat ulit.